Introduction:
Ang kwentong ito ay nangyari sa isang estudyante sa isang matandang unibersidad.
Story:
Si Edna ay freshman sa isang matandang unibersidad sa maynila. Isang araw habang sa kalagitnaan ng klase ay biglang tinawag siya ng kalikasan. Tumayo si Edna at lumapit sa kanyang prof. upang magpaalam sandali. Napili ni Edna na gamitin ang pinakamalayong bahagi ng kubeta. Habang nakaupo, biglang nakaramdam ng pagka-irita si Edna dahil pakiramdam niya ang daming lamok na paikot-ikot sa kanyang ulunan. Hawi dito, hawi doon. Nang matapos ang babae sa paggamit ng banyo ay dumiretso siya sa hugasan. May nakita siyang naglilinis sa may lababo at ang kanyang wika "sakto nandito si Manang, mapagsabihan nga".
Si Manang ay isang janitress at matagal na siya nagtratrabaho sa unibersidad na iyon. Ang unang bati ni Edna ay "Manang, mag-spray naman kayo dito sa banyo, ang daming lamok doon sa huling bahagi ng banyo. Ikot ng ikot sila sa buhok ko." Ang tugon naman ng matanda "Iha walang lamok sa banyong ito kasi lagi ko tong nililinis". Biglang nakaramdam ng pagkayamot si Enda at winika na lang sa sarili, "Eh ako mismo naramdaman ang mga lamok sa aking ulunan, Ano ba yan!". Nang palabas na si Edna ng banyo biglang nagwika ang matandang janitress at sinabing "Iha sa gawing hulihan ng banyong ito may isang babaeng nagbigti noong nakaraang taon dahil sa depresyon"
Realization:
Hindi pala lamok ang humahaging sa ulunan ni edna kundi ang paa noong babaeng nagbigti noong nakaraang taon.
na kakatakot
TumugonBurahinwooh. cute naman ng gumawa neto haha
TumugonBurahinwooh. cute naman ng gumawa neto haha
TumugonBurahinganda... ayos ang gumawa...
TumugonBurahinang ganda po ng kwento :)
TumugonBurahinpanu po rn ba isend ang karanasanko rn tungkol sa kbabalaghan?
TumugonBurahinTutoo po ba ito?
TumugonBurahinAng ganda
TumugonBurahinsino ang may akda nito??
TumugonBurahinAng ganda po ng kwento.
TumugonBurahin