Lunes, Mayo 23, 2011

BlockBuster!!!

Introduction:
Ang kwentong ito ay ibinahagi sa akin noong 2002 ng isang kaibigan. Simula noon marami na ako napagkwentuhan ng istoryang ito. Maari marami sa inyo narinig na ang kwentong ito pero para sa ibang hindi pa nakakaalam, para sa inyo ang kwentong ito. :-)

Body:
Ang istoryang ito ay naganap sa isang kilalang mall sa bandang south. Itago na lang natin ang ating bida sa pangalang Aldo. Si Aldo ay nasa isa sa ordinaryong kabataan na nahilig manood ng mga pang matandang pelikula. (nauso kasi ang mga ganong uri ng pelikula noong panahong iyon). Syempre nahihiya si Aldo manood ng ganitong uri ng pelikula sa mataong sinehan kaya napili niya ang isang sinehan na kilalang hindi napupuno. Laking lumo niya ng pagpasok nya sa sinehan ay punong-puno ito ng mga tao. Wala siya maupuan kaya wala siyang nagawa kundi tumayo. Naging masaya naman siya sa panonood ng pelikula dahil ang bida doon ay ang pinagpapatasyahan niyang artista.


Nang natapos na ang palabas at palabas na siya ng sinehan ay bigla siya nilapitan ng gwardya at sabay tanong, "Boss, buti nakatagal kayo sa loob...hindi ba kayo natakot manood?" Ang sagot naman ni Aldo ay "Paano ako matatakot ang dami nga tao, BlockBuster ang pelikula ni Neneng" pagbibiro pa niyang tugon. Tumayo ang balihibo ni Aldo ng biglang sabihin ng gwardya na..."Sir, kayo lang po ang taong nanood sa sinehang iyan" at pinakita pa nung gwardya ang nag-iisang tiket na pinunit niya.'

Wakas.

3 komento: