Lunes, Mayo 23, 2011

Lamok

Introduction:
Ang kwentong ito ay nangyari sa isang estudyante sa isang matandang unibersidad.

Story:
Si Edna ay freshman sa isang matandang unibersidad sa maynila. Isang araw habang sa kalagitnaan ng klase ay biglang tinawag siya ng kalikasan. Tumayo si Edna at lumapit sa kanyang prof. upang magpaalam sandali. Napili ni Edna na gamitin ang pinakamalayong bahagi ng kubeta. Habang nakaupo, biglang nakaramdam ng pagka-irita si Edna dahil pakiramdam niya ang daming lamok na paikot-ikot sa kanyang ulunan. Hawi dito, hawi doon. Nang matapos ang babae sa paggamit ng banyo ay dumiretso siya sa hugasan. May nakita siyang naglilinis sa may lababo at ang kanyang wika "sakto nandito si Manang, mapagsabihan nga".

Si Manang ay isang janitress at matagal na siya nagtratrabaho sa unibersidad na iyon. Ang unang bati ni Edna ay "Manang, mag-spray naman kayo dito sa banyo, ang daming lamok doon sa huling bahagi ng banyo. Ikot ng ikot sila sa buhok ko." Ang tugon naman ng matanda "Iha walang lamok sa banyong ito kasi lagi ko tong nililinis". Biglang nakaramdam ng pagkayamot si Enda at winika na lang sa sarili, "Eh ako mismo naramdaman ang mga lamok sa aking ulunan, Ano ba yan!". Nang palabas na si Edna ng banyo biglang nagwika ang matandang janitress at sinabing "Iha sa gawing hulihan ng banyong ito may isang babaeng nagbigti noong nakaraang taon dahil sa depresyon"


Realization:
Hindi pala lamok ang humahaging sa ulunan ni edna kundi ang paa noong babaeng nagbigti noong nakaraang taon.

Retreat

Introduction:
Ang kwentong ito ay naririnig ko lang tuwing napapasama ako sa retreat. Siguro famous retreat horror story to. :-)

Body:
Nangyari ang kwentong ito sa isang kolehiyala. Isang gabi naghihilamos daw ang babae sa harap ng salamin nang biglang napansin niya may matandang babae na nakatitig sa kanya na nasa bandang likuran niya. Dahil sa takot ng babae pinikit niya ang kanyang mga mata at nagdasal ng "Ama Namin". Umasang natakot ang nasabing nilalang sa kanyang pagdarasal, minulat na niya ang kanyang mga mata pagkalipas ng kanyang dasal. Tumayo ang kanyang balahibo ng makita niya na nandun pa din ang matandang babae na galit na galit habang binibigkas ang mga linya sa dasal na "Ama Namin"

BlockBuster!!!

Introduction:
Ang kwentong ito ay ibinahagi sa akin noong 2002 ng isang kaibigan. Simula noon marami na ako napagkwentuhan ng istoryang ito. Maari marami sa inyo narinig na ang kwentong ito pero para sa ibang hindi pa nakakaalam, para sa inyo ang kwentong ito. :-)

Body:
Ang istoryang ito ay naganap sa isang kilalang mall sa bandang south. Itago na lang natin ang ating bida sa pangalang Aldo. Si Aldo ay nasa isa sa ordinaryong kabataan na nahilig manood ng mga pang matandang pelikula. (nauso kasi ang mga ganong uri ng pelikula noong panahong iyon). Syempre nahihiya si Aldo manood ng ganitong uri ng pelikula sa mataong sinehan kaya napili niya ang isang sinehan na kilalang hindi napupuno. Laking lumo niya ng pagpasok nya sa sinehan ay punong-puno ito ng mga tao. Wala siya maupuan kaya wala siyang nagawa kundi tumayo. Naging masaya naman siya sa panonood ng pelikula dahil ang bida doon ay ang pinagpapatasyahan niyang artista.


Nang natapos na ang palabas at palabas na siya ng sinehan ay bigla siya nilapitan ng gwardya at sabay tanong, "Boss, buti nakatagal kayo sa loob...hindi ba kayo natakot manood?" Ang sagot naman ni Aldo ay "Paano ako matatakot ang dami nga tao, BlockBuster ang pelikula ni Neneng" pagbibiro pa niyang tugon. Tumayo ang balihibo ni Aldo ng biglang sabihin ng gwardya na..."Sir, kayo lang po ang taong nanood sa sinehang iyan" at pinakita pa nung gwardya ang nag-iisang tiket na pinunit niya.'

Wakas.

Napagkamalaang kaibigan

Introduction:
 Ang kwentong ito ay nangyari sa isa sa nakasama namin sa retreat nung college kami. Hindi ko mismo nasaksihan ang pangyayari ngunit ang mismong nakaranas ang nagbahagi sakin ng kwentong ito.

Body:
Pitong taon na ang nakalilipas ng mag-retreat kami sa isang sikat na "retreat house" dito sa Luzon. Kung hindi ako nagkakamali ay tatlong araw ang ginugul namin sa lugar na iyon.

Ang aming unang araw ay puno ng kulitan at asaran, sa madaling salita normal ang mga naging pangyayari. Ngunit nung ikalawang araw na namin sa lugar na iyon ay may biglang kakaibang nangyari. Habang abala kami sa pagpapa-"picture, picture" biglang may narinig kaming sigaw sa loob ng "girls' dorm". Medyo nagkaroon ng kaunting pagpapanic ngunit makalipas ang ilang minuto ay napakalma na ang aming kasamahang sumigaw at nagsimula ilahad ang mga naging pangyayari...

Tatlo daw sila bumalik sa dorm upang kumuha ng gamit at magbanyo. Ang unang babae ay pumasok sa banyo, tpos ang dalawang natira ay naiwan sa kwarto. Medyo matagal ang pagbabanyo ng isa nilang kasamahan kaya naisip ng kasamahan namin na humiga muna sa kama at makipagkwentuhan sa kasama niya. Salita siya ng salita sa katabi niyang kama ngunit napansin niya hindi ito sumasagot. Nang lingunin niya ang kasama niya laking hilakbot ang nadama niya ng makita niya na isang matandang babaeng nakaitim ang nakatitig sa kanya na nakahiga din sa katabi niyang kama, galit na galit ang mga mata nito. Ang inakala niyang kaibigan na kinukwentuhan niya ay isa pa lang kaluluwang gala sa dormitoryo ng mga babae.

Realization:
1. Umamin ang mga tauhan na nasa lugar na maraming kaluluwang ligaw sa "retreat house" na iyon. (halos naman lahat ng "retreat house" may iba't ibang kwento)
2. Ultimo Prof namin nagkwento na noong pinuntahan niya kami sa banyo upang i-check kung nagyoyosi kami ay nakakita ng umiiyak na bata.Pinagdasal na niya lang daw yun
3. Yung isang babae na inakala ng ating bida na kausap niya ay sumama pla sa unang babae na magbanyo. kaya suma total mag-isa lang pala ang bida naiwan sa kwarto.